Hay grabe kagabi, sobrang namutla ako at naramdaman ko na naman ang pangangatog ng tuhod ko..Grabe, dumating ang oras ng akala ko magbebreak na kami ni kuya..kwento ko.
JUNE 15, 2011..9:12PM nangyari ang lahat.. bago pa maggabi nagkita kami ni kuya ng 12:00pm dahil magdadate kami. Masaya ako sa araw na 'to kasi kasama ko na naman siya. Alam n'yo ba, alam kong malaki ang problema ko handling my own issues..Madami akong masamang karanasan, OMG naman anu, for 30 years na nabuhay ako..mga 22 years dun, meron nang mga kalandian..hahaha..and pain causes me trauma..at lahat yun natatandaan ko in every details..Eto na nga, sa sobrang attachment and sobrang love..I am squeezing kuya so much..our 1st week was best but as days go by, nagiging paranoid na naman ako..lahat ng meron si kuya pinagseselosan ko..pero ang totoo, sinabi ko kay kuya na mamahalin ko lahat ng meron siya pero ngayon, lahat sila tingin ko kakompetensya..ayun na nga, sad kasi, i love this love that i have right now, enjoy every thing with it pero ako mismo..ako mismo ang gumagawa ng dahilan para sirain siya.
So, nagkita kami ni Kuya sa SM manila..dun kami ngtagpo sa WOF(world of fun) ..saktong pagdating ko katatapos lang mula sa pagkakatalo ni kuya sa game(kasi wala naman panalo dun) hehehe.. tapos nasabi ni kuya na magkikita sila ni Dadi(yung bes at tagapaglaga ni kuya sa clan nila) so NAKARAMDAM ako ng tampo kasi sabi ko kay kuya..bakit si dadi 'pag may problema ok lang makipagkita sa kanya pero ako halos magwala na the night before pero hindi n'ya magawang daanan sa office(pero OA lang ako kasi sabi ko naman sa kanya if ok lang at alam ko naman na pagod na s'ya, char!).. OO ako na gumagawa ng dapat kong ipagtampo.. Remember si kuya ay 19 at ako ag 30 yrs old pero si kuya ang nagsosory at nang-aamo..hahaha sorry po uli..hahaha so buong date namin bitch talaga ako..sungit na akala mo eh nasa menopausal stage na kung magtampo..at wit(hindi) naglook sa kahit kanino even kay kuya para mafeel nya ang aura kong galit ako..hahahah alam kong alam ni kuya na nagtatampo ako pero ignore na lang si kuya sa tantrums ko..hahaha
Ayun na nga, nanuod kami ng Bad Spirits sa SM Manila 1 pm ang oras ng screening at pumunta kami ng 12:30pm pero ang pila, wagas..spell pila talaga..parang premiere night ang dating..hahaha continue ako sa pag-arte ko, kaya si kuya nararamdaman kong nateten(tense) na dahil sa kaartehan ko..Wala namang special na nangyari sa loob ng sinean kasi parang ang sinehan na yun eh parang palengke ata..alam mong mga dukha(hahaha makaDukha wagas)..mga bastos na bata..sigawan, harutan..akala mo wala sa loob ng sinehan..kala mo nasa sariling home theater lang nila kung magtaguan ng gamit at mag-usap.. (kala mo hindi ako naging ganun nung mga "teenage years" ko..
Matapos ang sine mayroon pa kaming pinuntahan ni kuya..tahimik yung makakapag-usap kami..pero hindi naman kami nakapag-usap..jump to the next hour na ha..heheheh can't disclose..Uy, nag-iisip..nag-iisip ng tama..hahahah dun na nga kami pumunta sa mga iniisip ng nakakarami..hahaha umalis kami ng around 4:00pm t'as dumiretso na kami ng office..
Happy moments: pagbaba sa Gil Puyat LRT station napatawa ko si kuya sa reaksyon ng mukha ko..sabi n'ya natuwa at natawa siya ng nakita niya yung fez(face)kong magreact nung wala akong nagawa dahil gusto ni kuya bumaba dun sa side ng LRT station na may JACA liner..sabi ko para hindi na kami tumawid pero intensyon pala ni kuya kumain kami ng shawarma..hehehe sarap..
Pagtapos n'un naisip naman ni kuya kumain ng halo-halo..kaya baba kami export bank bldg para kumain sa Chow King pero binadtrip ako ng crew ng Chow King..ilang order na yung lumipas at hindi pa dumarating n'ung sa amin pero pare-parehong halo-halo yung order namin ha..kaya end up..cancel..mabuti pa yung cashier nagsorry pero yung nagkamali hindi man lang nagkaroon ng guts..epal..hahaha(sama ng loob)
Eto na, pagdating sa office..tambay lang kami hanggang dumating si Dadi, yung hinintay ni Kuya..6 pm passed wala pa..tapos kailangan ko na ring umakyat..pinapagalitan na ako ni kuya kasi office hours na kasama ko pa siya.. TAMPO number 2..walk out ako..akyat at nagtext na itext na ang ako pagpauwi na siya at ihahatid ko siya..pero along waiting tinetext ko si kuya..sobrang selos ko kay Dadi talaga..eto pa nakakatawa..for the past 5 days tinatanong ko si kuya if dapat ko ba siyang pagselosan, pero everytime kinoconfirm naman sa akin ni kuya na wala talaga akong dapat ikaselos kay Dadi..'Pag nagtatampo ako, lumalabas ang kasamaan ng dila ko..dami kong masasakit na salitang sinasabi although hindi ako nagmumura..yung tipong kutsilyo na sumusugat sa puso..(sad pero ganito effect ng past relationship ko)..nagtext ako kay kuya sabi ko, ayaw naman ata ng Dadi mo na andyan ako,ok basta text mo ko pag pauwi ka na..At nagreply si Kuya na andun na si Dadi at text n'ya na lang ako 'pag pauwi na siya.Eto ako, selos na selos, inuusig ng madumi kong utak na meron silang ginagawang hindi maganda..na si Dadi baka siraan ako kay kuya, at si kuya super icomfort si dadi at mahulog kay Dadi..dami kong iniisip..lumipas ang 1 oras na walang text..pinabayaan ko..8:30pm tinawagan ko si kuya, sabi niya nag-uusap pa sila binigyan ko additional 30 mins..dumating ang 9pm sabi ko break ko na..ihahatid ko na siya, tinanong ko siya kung gusto niya bang sunduin ko siya or half way na kami magkita..sabi niya naglalakad na sila from 7/11 sa RCBC..
Nakita ko silang naglalakad at eto na ang kabastusa ko..tinalikuran ko sila at naglakad na ako papalayo..papuntang Mcdo..mabagal hanggang makasabay si kuya sa akin..walang kibuan..ARTE #3..bakit kapag kayo magkasama dami mong masabi,bakit kapag tayo wala kang masabi..WAPAK..grabe na talaga arte ko..pinagpatuloy ko kaartehan ko..hanggang napuno ko na si Kuya..
Naglalakad kami tinanong ko si Kuya, anu na ba lagay natin, gusto mo pa bang ituloy relasyon natin..tumigil ang puso ko..hindi siya nagsalita..matagal 2 minutes na hindi s'ya nagreact..natigil ako..tinanong ko kung mahal pa niya ako..sinabi niya oo..
Niyaya kong umupo muna sa harap ng Ministop, sabi niya masyadong maliwanag kaya dun kami sa gilid..sa may hagdanan..ETO NA!!!
Kabado ako sa pag-uusapan namin..Umupo kami..nagsimula na akong mag-usisa..may sama ng loob kasi bumigay na siya..Inamin niya sa akin siya nakiusap kay Dadi na mag-usap sila dahil hindi na pala niya alam gagawin niya sa akin..Akala ko nanaiintindihan niya ako..akala ko na kapag sinasabi niyang ok lang..ok lang..akala kong kapag hindi siya kumikibo..dahil hinahayaan niya lang ako umarte..HINDI PALA!!! lahat pala yun kinimkim niya..napuno ko na pala siya..Sad! super sad..
Madami na siyang nasabi na problema ko..na ang totoo bago niyang sabihin, na open ko na sa kaibigan ko..sabi ko na..nasasakal ko na siya..napaparanoid na naman ako..lahat kakompetensya sa akin..hindi lang siya makapagtext..sobra na akong mag-emote sa text..natawag agad, tapos kapag di nasagot nagwawala na ako..kapag hindi kami nakapagkita..nalulungkot ako..lahat yun, nailabas..
Hindi ko alam, yun pala ang kinunsulta kay Dadi..hindi na niya alam gagawin sa akin..Mahal niya ako pero kailangan niya ng space dahil sa madami syang mas importanteng dapat unahin..tinanong ko siya if kailangan ba naming maghiwalay, sabi kiya hindi naman pero kailangan niya ng space..Nagsorry ako..ang problema..alam ko naman lahat ng eto pero hinayaan ko lang..at eto na nga..pagod na pagod si kuya..
Climax: sabi ko..Can you give me a 2nd chance..hindi siya tumitingin..inulit ko..are you willing to stay with me? at sabi niya yes..nabawasan na ang kaba ko..do you still love me? and sabi niya OO naman..dun lang, nawala na lahat ng worry ko at noboost ang self-esteem ko..at mas lalo akong naging pursigido to change..sabi niya hindi niya daw akong gusto baguhin pero I insist dahil gusto kong isave ang relationship namin..sabi ko..Sorry dahil sinbi ko nuon na lahat ng meron ka, kahit anu p, ttanggapin ko, pero ngayon eto ako naging selfish...mbuti na lang tinggap niya..End up..kami pa din ni kuya at we are better and stronger..woot woot.. *wink**wink*
To dadi: kahit na nakidadi na ako..thank you for taking both sides and especially explaining my difficulty..with all my heart, i thank you for accepting my apology and my friendship..I promise to take care of him and take extra care of kuya..
TO KUYA: I love you with all my heart..God knows how hard I pray to keep you and our relationship. I thank you for being matured enough to understand all my imperfections and being honest and true to your feelings. I love you more for sharing everyday of your life and fulfilling all my requests..I am sorry for seeing faults instead of our happy moments, noticing your time with other people but not appreciating the time you are giving me..I love you best because you never give up on me..in your age, i know you want to have the taste of independence and more social activity yet you give your heart to me and commit.. Thank you and i promise God and you that I will do all to keep our love safe, clean and true..I LOVE YOU SO MUCH!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento