Hay naku!(palagiang simula, haha)..3rd date na namin from our 4th day ng maging kami ni kuya. Masasabi ko lang na lalong nai-inlove ako sa kanya(sana ganun din s'ya). Marami ngang doubtful sa love ko kasi OA daw sa bilis na mafall ako sa kanya. like I always say " Aegis nga one day hiring, bakit hindi pwedeng ako din" hahaha.. Honestly, ok lang sa akin yun kung di sila maniwala kasi hindi naman ako nagmamahal para paniwalain lang ang tao..Mahal ko talaga s'ya at kung si God ang nagdoubt sa akin, ah ibang usapan yun..hehehe at matatakot na din ako on the side..At kung meron mang hindi naniniwala ok lang yun, kasi baka naman hindi pa nila naeexperience yun,(yun naman haha). At entitled naman lahat sa kanya kanyang paniniwala. (at ang dami kong explanation daw, kaBOOM)
Mabalik tayo, date lang naman kasi dapat topic ko dito eh..hahah. Eto na ang 3rd date namin ni Kuya. As usual, magkatext tapos akoabang sa break ni kuya kasi nga nagrereview si kuya at ayokong guluhin siya kaya abang lang muna at sa break na lang manggulo para naman pasayahin si kuya(char! uy ha hindi ko talaga inaaway or tampo moments pag may pasok si kuya). di ba kuya? nu? hindi naman di ba? hehehe
Hindi naman talaga namin plano mag-araw araw magkita..kaya lang lam nyo na, love(char!) oo nga..dahil sa madali ko ma miss si kuya, tapos pagmagkasama pa kami may holding hands na pasimple at panakaw na kiss..eh panung hindi ako maadik..puro bitin(Grr!!! hahaha). totoo yun na mimiss ko agad s'ya..so kinabukasan may I tanong agad ako ng schedule ng pag-uwi..sabi nya 5pm daw labas n'ya at ako naman 7:30pm ang pasok..so sabi ko, daan na lang s'ya sa office at sabay na lang kami ng dinner. so oks lang kaya lang kung bibiyahe s'ya ng 5pm anung petsa na sya darating sa office mga 7pm so sabi ko mag-eearly lunch na lang ako para naman hindi masayang ang effort namin magkita..5:20pm na nagtext si Kuya na paalis pa lang s'ya so mas nagworry ako sa oras namin..eto pa, text ni kuya, anung sasakyan ko kung galing ng bukid, tapos ang tinext ko sa Buendia na sya sumakay at detail ang text s kanya ha..pati pagbaba ng LRT at pagtawid sa Goldilucks at Wendy's naiinis nga ako, hindi ko kilala yung barter sa jeep hindi ko tuloy natext kay kuya(haha). So pagdating ko sa office mga 5:50pm na yun nagtext na nakasakay na nga sya ng PRC papuntang pasong tamo. Then mga 5 minutes later nasa export building na daw s'ya. Swear, nataranta ang lola n'yo..ewan ko, pakiramdam ko kasi everytime na magkikita kami laging may kaba at kilig na makikita ko si kuya..OA na kung OA pero yun talaga pakiramdam ko..eto pa, everyday na magkikita kami, iba iba itsura ko..para na nga akong hairstylist pero di naman marunong mag ayos ng buhok. Tapos trying hard na fashion model kasi di naman ako marunong magcombine ng mga dapat isuot..haha..hay naku pati nga si kuya tinatanong ko kung oks lang ang itsura ko pero sinasabi nya naman basta magpakatotoo lang daw ako oks na sa kanya(eh ang totoo, gusto ko mag crossdress kuya,hahaha joke lang done na ako dun).. ayun lalo akong natuwa at napakatrying hard lalo hahah.
Tapos eto na, after kong magreflenish, bumaba agad ako at mineet ko si kuya..sinuot ko na yung alam kong pamatay kong black poloshirt ng F&H na zero size(oha, oha zero size) plus yung palaging kinokomplement kong pants at ang 4 day old kong sapatos na topsider..at ov corz yung cap na baligtad na may nakalawit na bangs para-schute..hahahah
Wala pa kaming maisip na kainan kasi iniiwasan ko ngang gumastos kasi napagsabihan na ako ni Kuya na ayaw nyang hindi kami share sa bayad..so naglakad kaming pa Mcdo PS tapos kepsi(KFC) tapos masdo(McDo) tapos we decided magtokyo-tokyo. naisip ko na rice all you can na uli sa Tokyo Tokyo kaya go na kami..
Sa pag-order wala pa din kaming maisip so sabi ko upo muna kami..dun kami umupo sa malapit sa window na paglapas ng window pintuan na palabas, at katapat ng counter ng tokyo, si kuya may ugaling basketbolista na magaling sa assist..alam nyo ba kung bakit?
Ganito yun, hilig mamasa..hahah tatahungin ko
Ako: Anung gusto mo?..
Kuya: "ikaw!"
Ako: Maliban sa akin
Kuya: "Ikaw na"
Ako: .sige remix na lang tayo, anung combination?
Kuya: "Kahit anu.. Kaw na"
Ako: Gusto mo ba beef, pork, chicken or prawn?
Kuya: Ok lang kahit anu, anu bang gusto mo?
Ako: ako kahit ano ok lang, hindi naman ako tumatanggi sa fud basta wag lang panis..So beef at pork na lang?
Kuya: Ok ..Ay pork at chicken na lag ayaw ko ng beef
Boom sa wakas nakapili din ako na si Kuya nagdecide,wahaha.. 4 na assist lang ang naalala ko..Grabe ha, sa loob ng 5 minutes na usapan 4 assists..bongga pwede na magbasketball player..best in assist..hahaha loko lang kuya..love you po..
So nakapili na ako, pero bago pa pala kami magmeet pinamalita ko na sa floor na magkikita nga kami ng "MA OF THE HOUR" na si kuya. Halos lahat ng agents ko nabasa na ang blog ko at yung iba kong friends sa office din. Sabi ko dun kami kakain sa Tokyo Tokyo, lam mo ba ang labas namin..parang celebrity..lahat ng dumadaan kinakaway ko o namin..si kuya hindi magkandamayaw na kumaway..yung iba pinapapasok ko at pinapakilala ko kay kuya..hahah si kuya hindi naman matandaan..hahaha
CLIMAX:
eto talaga ang pinaka mahalaga: Kumakain kami, syempre kento dito, kwento duon.. pacute dito, pacute duon..tapos yung cashier bongga mangarap tapos malayo ang tingin pero yung mata nya sa amin nakatingin..tinitigan ko din yung cahier, medyo napansin ata..pero may lahing maldita ata..ahaha snobish..umiisnob pa ang lola mo..haha.. tapos natawa kami ni kuya..pero yun ata ugali ng mga cashier duon sa Tokyo Tokyo kasi pati yung pangalawang cashier ganun din..hahahah
Habang kumakain kami, syempre "thank you"-han ng walang humpay at siyempre pacute ako ng walang humpay..hahaha Ako kas ang taya, so alam na natin ugali ni kuya nahihiya, so sabi n'ya bukas siya daw taya..syempre masaya ako kasi ibig sabihin magkikita kami uli bukas..hahaha eto pa kaengotan ko..nag Tokyo Tokyo kami para sa unlimited rice, tapos ayun, halfrice lang si kuya..kasi nagdidiet talaga si kuya di ba sa rice..hai pero oks lang..masaya nama kami..eto pa bago kami kumain, nagpasimpleng kiss kami ni kuya..hahaha lam ko naman may nakakita sa amin, so deadma lang.. tapos nung kalagitnaan meron isa uli, at pagtapos ng meal kumis uli..heheheh sobrang saya, para akong bata na binigyan ng birthday party..hahahah
tapos ayun, ako nama ang naghatid kay kuya sa Export Bank bldg para sumakay si kuya paPRC. Pero remember ayaw ni kuyang ako lang ang gumastos, kaya nagice cream kami sa McDo at si kuya nagbayad. Iba ang lasa ng pagkain kapaglibre at kapag galing sa puso(arte!!hahaha).Tapos binigyan ako ni kuya ng chiffon..sabi ko baka pagkain mo yan mamayang gabi, sabi ni kuya para sa akin talaga yun..hahah panalo..sobrang touch kaya ako dun..May I expound ang heart ko nun at ang eyes ko slightly teary eye sa left eye ko..parang si Juday..hahah
Hindi na namin nagawang pasimpleng kiss ni Kuya kasi narealize namin traffice pala..hahah daming nakatingin.. kaya sa text nalang kami ng "MUAWAAH" ng wagas at walang humpay.. pero super saya..



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento