Sabado, Hunyo 25, 2011

Ako 'to..

Nakakainis talaga ako! Paano ba naman, eto na naman ako sa aking hindi masyadong magandang ugali na masyadong madaming magandang ideya at kayang kayang simulan lahat. Pero eventually, mabilis din naman tamarin at tigilan lahat. Honestly, hindi ko alam paano lalaban 'yun. Totoo nga talagang lahat nagsismula sa ideya ng isip natin, tapos mabubuyo si utak uutusa ang katawan hanggang maging actions na, tapos kapag palaging ginagawa magiging habit, pagkatapos magiging ugali, tapos magiging character na eventually ikaw..tapos tapos na.

Minsan, alam ko naman na nangyayari sa akin 'yun pero iniignore ko lang. Siguro dahil na din hindi niya(ugali ko) naaapektuhan ang buhay ko kaya akala ko okey lang. Pero honestly, nakakainis din siya, kasi ang nagiging remedy ko ay humanap ng panibagong pakikialaman. Walang isyu sa akin kasi kaya ko namang gawin 'yun pero ewan ko, marami akong dahilan kung bakit ako nawawalan agad ng gana sa mga bagay bagay..

1. Wala nang challenge.
2. Naachieve ko na partially
3. Pag-alam kong nasa tamang path ako
4. Nawalan na ako ng interes ipagpatuloy
5. Meron akong nakitang bagong gagawin
6. Mas maganda ang paraan ng iba
7. May mali akong nagawa sa simula
8. Malamig ang wheather
9. Nagdidayan dayan pills si Meg
10. Si Pearl may bagong lalaki pero si Jed pa din ang Bet
11. Tapos si Dagdig(youngest nephew ko) marunong ng mag"PUCHA-PUCHA" na parang si pikachu
12. Tapos natapos ko na ang angry birds..
At madami pang iba na wala namang kwenta..hahahaha

Yun na nga, pero I am TRYING to do all I can para mabawasan ang pagiging ningas kugon ko. Ang totoo nyan kapag tinamad ako hindi na natatapos yung mga gawain ko. Pero.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento